Ang Tugmang Pambata


Editor
Editor        

Editor / Owner / Teacher, creates learning resources, and works as a freelance blogger

3min 0s read Panitikang Pilipino 1449 views

Ang Tugmang Pambata

 ANG TUGMANG PAMBATA

 

Sinasabing ito ang pinagmulan o pinag-ugatan ng tula. Ang mga salitang tila larong- bibig na  pangkasanayan ng mga bata sa pagsasalita. Maririkit ang pananalitang ginagamit sa payak nitong kaanyuang sukat at tugma. Lamang,tila ba gahol ito sa kahulugan. Walang talinghaga. Lamang, basta bukambibig magpahanggang ngayon. Kung hindi naman nagtataglay rin ng kahulugan kaya lang mababaw. Maririnig natin ito kapag ang isang ina ay naaaliw sa kanyang paslit at palagian sa mga batang naglalaro sa bakuran o sa daan. 

Layunin marahil sa bagay na ito ang mga sumusunod;pampatuwid ng dila nang ang bata ay di-mautal pag nagsasalita; panudyo ng mga nagkakapikunang bata sa laro; pang-alo sa nagmamaktol na paslit; at kung ano-ano pa.

Ang mga tugmang walang diwa o tugmang pambatang  ay tinatawag ding kasabihan, sa Ingles o Mother Goose Rhyme. Kaya huwag nating itong ipagkamali sa sawikain, salawikain o sabi- sabi, dahil iba naman ang ipinakakakahulugan ng mga ito.

 

1.  Ang munting si Inday, nakapangalumbaba sa baybay

    tindig ka’t magpapilay pilay

    lingon sa kaliwa,lingon sa kanan

    ituro ang iyong nagustuhan.

 

 

2.  Pagputok ng bulkan

    mata mo natalsikan

    ang tingga na asul

    sa mata mo bumukol.

 

3. Huwag kang sinungaling, mata mo may puwing.

 

4.  Tatlong pato ang nakita ko

     mataba, payat, isa, dalawa,tatlo,

     Ang isang pato nabalian ng pakpak

     siya ay lumangoy at pumalag- palag.

 

5.   Pumunta ako sa Cebu, may nakita akong kalbo.

      Tongtong kalbo

      may ngipin sa ulo.

 

6. Bata... Batuta!

    daming muta.

 

7. Tengang kalabaw, dinapuan ng langaw

    guston ninyong dinggin, aking kukulitin.

                                                                                                                                                                                                                                                                     

8. Bata'y nasungabang; mukha ay nagasgas

    nasaktan man siya ay di umiiyak 

    nararamdaman man ang hapdi di antak

    Tindig! at tuloy rin sa larong paglundag.

 

9. Halina.... halina't tayo ay maglaro

    ng lobo-lobohang sabong kumukulo

    sa tubig naman pala ay nakabubuo

    ng lobo sa sabong binula sa tabo.                     

 

10. Tabi....Tabi 

      tabi.. makikiraan

     mga bulag kami

     Huwag kayong lalapit,

     baka kayo ay maipit.

                                                                                                                            

 




Leave a comment:


* Comment successully submitted



Related Articles:

Si Tuwaang ang bayani ng Kuaman

Si Tuwaang ang bayani ng Kuaman

editor Editor

2min 9s read
Salawikain

Salawikain

editor Editor

2min 46s read
Ang Tugmang Pambata

Ang Tugmang Pambata

editor Editor

3min 0s read
Ang Bugtong

Ang Bugtong

editor Editor

0min 47s read

Latest Articles: