Travel Brochure ( Proyektong Panturismo)


Editor
Editor        

Editor / Owner / Teacher, creates learning resources, and works as a freelance blogger

2min 23s read Educational Resources 1511 views

Travel Brochure ( Proyektong Panturismo)

Magandang Pasyalan ang lugar ng Mindanao  Pangalawang malaking pulo sa Pilipinas. Iba't ibang kultura ang matutunan, masasarap na pagkain ang matitikman, makakaranas ng iba't ibang adventures sa maraming lugar sa Mindanao.

Ang ating gobyerno ay gumagawa ng mga pamamaraan upang mapalago ang turismo sa ating bansa. Ang turismo ay ang aktong paglalakbay sa loob at labas ng bansa na may layunin ng paglilibang, pagsasaya o may mga bagay na patungkol sa komersyo o negosyo.

Isa ang Mindanao na biniyayaan ng Maykapal ng mga likas na yaman. Nagtataglay ito ng mga makukulay na tanawin at kasaysayan na maipagmamalaki sa mga banyaga.  Batay sa datos Ang ating pamahalaan sa pangunguna ng Department of Tourism ( DOT) ay sinisikap na lalong mapaunlad ang turismo sa Pilipinas.

 Ang turismo ay nakakatulong upang mapalago ang ekonomiya ng bansa partikular sa Mindanao.

Bilang kabataan maari ring makatulong ang isang katulad mo na makatulong na mapaunlad ang turismo. Tulad ng pagbabahagi sa mga social media platform. Maari ring magbahagi ng mga advertisement sa pamamagitan ng print at elektronic media. Isa rito ang brochure na bahagi ng print advertisement.   

Sa isang Proyektong Panturismo (travel brochure) napakahalaga na suriin ang nilalaman/ datos na inilahad dito tulad ng para mas madaling mahikayat ang turista na dayuhin ang lugar na ibinida. 

Ang travel brochure - ay isang lathalain na nagbibigay impormasyon tungkol sa mga atraksyon ng isang lugar upang maging kompleto ang karanasan ng mga turista.

Narito ang dapat tandaan sa paggawa ng Travel Brochure:

1.  Maaring ilagay sa iyong travel brochure ang inyong saloobin o opinyon tungkol sa opinyon tungkol sa paksa, karanasan, lugar at iba pa.

Para sa proyektong ito ay pinili natin ang Mindanao sapagkat maraming impormasyon o kaya pamilyar ka sa lugar na ito. Kaya't alam na alam mong gawin ang proyektong ito.

2. Mga mungkahing gawain kung pupuntahan ng isang turista at nais itong makikilala. Maaring ipakita o ipakilala ang lugar sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagkain, kasiyahan, tao at kabuhayan.

3. Maglagay ng mga larawan ng lugar sa Mindanao at magbigay ng maikling pagpapakilala o paliwanag sa lugar na ito.

Mga materyales na gagamitin sa paggawa ng travel brochure

1. Bond papers

2.  Colored papers

3. Art Materials ( scissors, glue, stapler, crayons, paints, water color, beads or other decors)

 

Gabay sa paggawa:

1. Tiklupin ang inyong papel sa apat o tatlong bahagi.

2.  Sa unang pahina o front page. Gumawa ng design na magbibigay pakilala sa inyong travel brochure. Maaring lagyan ng drawing,o paint sa unahan. Lagyan din ng catchy na pamagat o title ang inyong travel brochure halimbawa:  Mindanao; Come visit this paradise!

3. Maglagay sa bawat pahina ng mga lugar na maaring puntahan, at pwedeng makaranas ng mga activities, pook na pwedeng kainan (restaurants) at pahingahan (hotels)

4. Maglagay din ng mapa upang mabilis matukoy ang lugar.

 

 

 

 

 

 




Leave a comment:


* Comment successully submitted



Related Articles:

Travel Brochure ( Proyektong Panturismo)

Travel Brochure ( Proyektong Panturismo)

editor Editor

2min 23s read
In the Pursuit of the Philippine Begonia

In the Pursuit of the Philippine Begonia

editor Editor

3min 12s read
Jack in the box song

Jack in the box song

editor Editor

0min 48s read
Making Glue Activity

Making Glue Activity

editor Editor

1min 45s read
Bingo Is Lost

Bingo Is Lost

editor Editor

4min 32s read
Sample Activities for Two Weeks  on a Theme about Bears for Kindergarten

Sample Activities for Two Weeks on a Theme about Bears for Kindergarten

editor Editor

2min 25s read

Latest Articles: