Salawikain


Editor
Editor        

Editor / Owner / Teacher, creates learning resources, and works as a freelance blogger

2min 46s read Panitikang Pilipino 1765 views

Salawikain

Ang Salawikain

 

Ang Salawikain ay mga pangungusap na hitik sa gintong aral. Ito ay hindi binabanggit ng minsanan o sabay-sabay. Ito'y karaniwang mapitagan itinutugon ng hamak na mamamayan sa isang pag-uusap o pagtatalo, kung angkop sa halip na gumamit ng magaspang o di kaaya- kaayang salita na bagaman singkahulugan ay maaring kung siyang sasabihin ay makasakit sa maramdaming puso ng isang Pilipino.

Ang salawikain ay karaniwang binubuo ng taludturan, may sukat ay may tugma. 

Ito ay sandigan noong araw ng mga matatanda sa magandang pagkakataon. Ang aral nito ay sadyang napapaloob sa angking talinghaga.

 

1. "Ang kawayang kung tumubo, langit na matayog ang itinutubo; ngunit kung masunod na ang anyo, sa lupa rin ang yuko."

     Kahulugan: Ang tao kapag siya ay nakakaangat na sa buhay, manatili  sana siyang maging mapagpakumbaba.

 

2. " Ang pilak mo man ay isang kaban, ang ginto mo man ay isang tapayan kung wala ka namang kaibigan ay wala ring kabuluhan".

 Kahulugan: Hindi matutumbasan ng kahit anong yaman ang isang tunay na kaibigan.

 

3. "Kahoy na babad sa tubig, sa apoy huwang ilalapit; pag nadarang at nag- init, sapilitang magdidikit."

Kahulugan; parang pagmamahalan, na kahit anong paglalayo sa isa't isa, ay pinag tatagpo parin sila ng tadhana,dahil yon ang kaloob.

 

4. " Walang bingi dito sa mundo gaya ng ayaw makinig, walang mahirap na gisingin sa gaya ng nagtutulog-tulugan."

Kahulugan: Madaling sabihin sa isang tao ang hindi nila alam kesa doon sa taong ayaw pakinggan at ayaw tanggapin ang katotohanan. 

 

5. "Itaga mo sa bato"

Kahulugan: Ito ay sinasambit ng isang tao lalo na kung siya ay nangangako at sinasabi niya dito na pakatandaan ito.

 

6. Ang buhay ay parang gulong; minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.

Kahulugan:  Hindi sa lahat ng pagkakataon tayo ay nasa magandang sitwasyon ng buhay minsan may mga mabibigat na mga problemang dadating sa atin.

 

7. "Daig ng maagap ang masipag"

Kahulugan: Ibig sabihin, kung gusto mong magtagumpay, magsimula ka nang maaga. Parang sa pag-iipon din 'yan. Hangga't maaga pa at malakas pa ang katawan at maraming oportunidad para magtrabaho, mag-ipon ka nang mag-ipon. Kapag kasi may edad na, kahit anong sipag mo, baka kulangin ka na rin sa lakas at panahon.

 

8. " Anuman ang iyong sasabihin, makapito mong iisipin"

Kahulugan: Kung  ano man ang iyong gagawin o sasabihin pag- isipan mo muna ng mabuti. Lalo na ang pag dedesisyon. Halimbawa ang Pagaasawa.

 

9. "Mabuti pa ang kubo, na ang laman ay tao kaysa bahay na bato na ang nakatira naman ay kuwago."

Kahulugan: Mas mabuti pang tumira sa isang maliit na bahay, kung kasama mo ang isang mabuti at mabait na tao, kaysa sa isang malaking bahay kung saan ikaw ay aapihin at malupit at hindi magiging masaya.

 

10. "Di man magmana ng ari, magmamana ng ugali."

Kahulugan:  Ibig sabihin nito ay wala man tayong pera o kayamanan na mamanahin ay mas mabuting magandang ugali ang ating manahin.

Kasi kahit ang isang tao ay mahirap, kung maganda naman ang kalooban niya ay iyon ang kayamanan niya. Hindi naman kasi kaaya-aya ang may salapi ngunit masama ang ugali at ang walang salapi at masama pa ang ugali.




Leave a comment:


* Comment successully submitted



Related Articles:

Si Tuwaang ang bayani ng Kuaman

Si Tuwaang ang bayani ng Kuaman

editor Editor

2min 9s read
Salawikain

Salawikain

editor Editor

2min 46s read
Ang Tugmang Pambata

Ang Tugmang Pambata

editor Editor

3min 0s read
Ang Bugtong

Ang Bugtong

editor Editor

0min 47s read

Latest Articles: