6 Steps Bago Bumili ng Lupa Sa Pilipinas


Editor
Editor        

Editor / Owner / Teacher, creates learning resources, and works as a freelance blogger

1min 48s read Tips and Ideas 826 views

6 Steps Bago Bumili ng Lupa Sa Pilipinas

Step 1
Unang-una basta't dumating yung ahente (real estate agent) o kaya yung may-ari ng lupa at sinabing pinagbibili niya ang LUPA niya, ang UNANG KUKUNIN MO ay yung kopya ng TITULO.

Sapagkat dapat mag-imbestiga ka doon sa REGISTER OF DEEDS. May xerox copy ka ng titulo ng lupa, pupunta ka doon, Kasi malay mo may mga PASANIN (problema) yang lupang yan: nakaprenda/nakasanla may nagki-CLAIM na iba Dapat makita mo yon. Dapat malinis. Sapagkat yang kopyang yan dapat eksaktong-eksakto doon sa kopya ng Register of Deeds. Hindi sila nagkakaiba. Kaya malalaman mo kung PEKE, may mga PASANIN, o kaya may mga PROBLEMA ang lupa.

Step 2

Kumuha nang Geodetic Engr para mag Sagawa nang Relocation survey sa Mga Boundaries para ma check kong ok ba ang Actual ground wala bang structure or Fence sa Kabilang lot na lumagpas.. Sa Property na iyung Bibilhin.

Step 3

Halimbawa't nakita mo na, na wala palang problema, ok ang ganda, mag-eexecute kayo ng DEED of SALE na tinatawag. Pagka nag-eexecute kayo ng DEED of SALE o "Kontrata ng Pagtitinda", pipirmahan nyong dalawa, nung nagtitinda at tsaka nung bumibili at inonotarized yon.

Step 4
Within 1 month from notarization, magbabayad ng unang bayad. Ang tawag dun, DOCUMENTARY STAMPS. Dapat bago matapos ang buwan ng pagpipirma, magbabayad ka ng DOCUMENTARY STAMPS.

Step 5
Pagkatapos nun, yung nagtinda, sya rin ang magbabayad ng tinatawag na CAPITAL GAIN TAX. Kasi kumita siya, magbabayad siya sa BIR.

At ang BIR ang mag-iissue nung CERTIFICATE OF AUTHORITY TO REGISTER, isang certification na sinasabi sa Register of Deeds na bayad na yan ng lahat ng mga taxes at pwede mo ng ilipat ang pangalan ng titulo dyan doon sa bumili.

Step 6
Basta nakita mo na yan (CERTIFICATE OF AUTHORITY TO REGISTER), dadalhin mo yan sa Register of Deeds, yun ang huling yugto. Sasabihin ng Register of Deeds, heto ang huling bayad, Transfer Fees. Pag bayad na yon, hindi masyadong mahal yon, hayan na, kukunin na ng Register of Deeds lahat.

Isusurender na ang OWNERS' COPY ng titulo at maghihintay ka na. At yan kelangan mo ng follow-up. Dahil nga sa Register of Deeds, medyo tatagal yan. Kaya kelangan ng follow-up ng follow-up.

CTTO




Leave a comment:


* Comment successully submitted



Related Articles:

How to Style Shorts

How to Style Shorts

editor Editor

2min 8s read
Advice To Women in the Dating World

Advice To Women in the Dating World

editor Editor

1min 37s read
HOW TO STYLE BABY GIRLS WITH FINE SHORT HAIR

HOW TO STYLE BABY GIRLS WITH FINE SHORT HAIR

editor Editor

3min 5s read
IMPORTANT TIPS FOR A HAPPY AND HEALTHY SUMMER

IMPORTANT TIPS FOR A HAPPY AND HEALTHY SUMMER

writer Writer

3min 33s read
Standards of Food Preparation and Handling to Keep Our Food Safe

Standards of Food Preparation and Handling to Keep Our Food Safe

editor Editor

3min 44s read

Latest Articles: