Ang Mahiwagang Lampara


Editor
Editor        

Editor / Owner / Teacher, creates learning resources, and works as a freelance blogger

0min 57s read Puzzles 640 views

Ang Mahiwagang Lampara

Ang Mahiwagang Lampara

 

Noong unang panahon sa kagubatan ng Tabor, may tatlong manlalakbay patungo silang Melbar. 

Doon sila pansamantalang magtatrabaho para may maipantawid gutom ang kani-kanilang pamilya.

Lakad sila nang lakad.  Wala silang kamalay- malay na naliligaw na pala sila, Dahil sa kalawakan ng gubat, 

hindi na nila natatandaan ang daan patungo sa paroroonan nila. Sa paghahanap nila sa daan, may nakita silang lampara.

   "Pwede nating gawing ilawan ito mamayang gabi," sabi ng isa.

Nilinis nila ang lampara. Pinagkakaskas nila ito. Sa di inaasahang pangyayari, may biglang lumitaw na isang higanteng usok. 

Nag-anyo itong malaking- malaking tao. Bilang pasasalamat sa kanyang paglaya, Pinangakuan sila nito ng gantimpala-- tig-iisang kahilingan. 

Hiniling ng una na siya'y makabalik sa kanila na marami ang dalang pera. Ito'y agad na natupad.

Ang pangalawa naman ay humiling para sa kanyang pamilya ng bahay at lupa. Ito'iy natupad din. 

Ang pangatlo ay biglang nalungkot dahil nagiisa na lamang siya sa gubat.

 

 

Tanong; Ano ang hihilingin niya para maging masaya siyang muli?

Sagot;   Ibalik ang kanyang mga kasama.

 

 

 

 

 




Leave a comment:


* Comment successully submitted



Related Articles:

Who's Left-Handed?

Who's Left-Handed?

editor Editor

0min 48s read
Ang Mahiwagang Lampara

Ang Mahiwagang Lampara

editor Editor

0min 57s read

Latest Articles: